SINABI kahapon ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan na hangad ng ahensiya na makakuha ng bagong ISO certificate na higit na makapagbibiay ng matibay na imahe bilang isang ahensiya ng pamahalaan.

Alexander Balutan

Alexander Balutan

“ISO certification gives confidence to our public that we have strict implementation when it comes to our draw procedures, that their bets are really there, and they have equal chances of winning. It also gives us the chance to be at par with other gaming counterparts all over the world,” pahayag ni Balutan.

Sa kasalukuyan, ang PCSO ay pinagkalooban ng ISO 9000-2008 Quality Management System Certification ng third-party auditor TUV Rheinland Philippines nitong Marso 30, 2016 para maisulong ang pangangasiwa sa Online Lottery Draws at pagproseos sa mga premyo sa halagang P5,000 pataas.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“When we say draw procedures, it is not just the actual drawing of the winning numbers, but also the data center, which includes the actual conduct of draw, broadcast of the lotto draws, and of course the handling of ticket themselves,” sambit ni Aimee C. De Viterbo, Officer-in-Charge-Manager for Gaming Technology Department.

Sa nakalipas na tatlong taon, ang PCSO ay nasa pangangalaga ng lumang ISO certificate. Sa kasalukuyan, ang ISO 9001 ay may bagong version -- ang 9001:2015.

“The difference is that the current version is already risk-based and would take into consideration the context of the organization, whereas in the 2008 version, one can choose the core processes for standardization,” pahayag ni De Viterbo.

Bukod sa proseso sa Gaming Technology, Accounting and Budget and Treasury Department, ang pagbibigay ng ISO standards ay ginagamit din para mapangalagaan ang iba pang opisina ng ahensiya tulad ng Legal, Human Resources, Asset and Supply Management, General Services, Information and Technology, Corporate Planning at Data Security Division.

“It doesn’t mean na ipina-certify natin ‘yung draw procedures and prize claims lang eh ‘yun lang ang ina-audit.

Inaudit din ‘yung entire office, lahat ng may link sa processes na ‘yun kasama s’ya sa audit. On the Gaming side, we will also include the Cebu Data Center and the Product and Standard Development Department (PSDD) in creating game designs,” sambit ni De Viterbo.

Ang PCSO ay miyembro rin ng World Lottery Association at halos lahat ng gaming industries ay WLA members at ISO-certified.

“Before we get the WLA standard, we need to be ISO 9001 and ISO 27001 certified. After we get ISO 9001:2015 version, we can endeavor in getting ISO 27001 Information Security Management System (ISMS),”aniya.