Mula sa Yahoo Entertainment

NASA maayos nang kalagayan si Arnold Schwarzenegger makaraang sumailalim sa heart surgery.

Arnold

Inihayag ng tagapagsalita ng Terminator star, 70, na nagkaroon siya ng “emergency open-heart surgery” nitong Huwebes.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Sumailalim si Arnold sa “planned procedure” upang palitan ang kanyang “pulmonic valve” na orihinal na pinalitan noong 1997.

Binanggit din ng kinatawan na si Daniel Ketchell na sa kasagsagan ng procedure, in-assemble ang isang open-heart surgery team, na aniya ay tipikal. At tila matagumpay nilang naisagawa ang open-heart surgery. Nagpapagaling na umano ngayon si Arnold, at pinasalamatan ni Ketchell ang mga hospital staff sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles sa kanilang mahusay na trabaho.

Nag-post si Ketchell ng pangalawang tweet kalaunan, at sinabing hindi nawawala ang sense of humor ni Arnold.

Tulad ng alam na ng karamihan, ang action superstar, dating California governor, at dating Mr. Olympia ay sumailalim sa heart surgery para sa kanyang congenital heart defect noong 1997. Nang kapanayamin noong 2016 sa In Depth With Graham Bensinger, ibinahagi ni Arnold ang kasaysayan ng problema sa puso ng kanyang pamilya, at sinabi niya na ang kanyang namayapang ina ay mayroong dalawang valves na “didn’t work well.”

Nagkaroon din ng problema sa valve ang kanyang ina. Ibinahagi niya na dalawang valve niya ang pinalitan (“ang aortic valve at pulmonary valve”) at kung paanong pumalpak ang proseso. Kaya pagkaraan ng ilang oras ay kinailangang ulitin ang procedure, na aniya ay life-threatening.

“Luckily it all turned out well,” aniya. “Now, 19 years later, I still have the same valves and everything is standing fine.” Naging mailap ang pamilya Schwarzenegger, kabilang si Maria Shriver, na kasal pa rin sa kanya kahit na hiwalay na noon pang 2011, na pag-usapan ang balita sa social media.

Matatandaan na tinangka umanong ilihim ni Arnold ang kanyang unang heart surgery kay Maria.