Ni Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY - Natimbog ng militar ang isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang bakbakan sa gitna ng rescue operation sa isang kidnap victim sa liblib na lugar sa Patikul, Sulu.

Kinilala ni Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, ng 32nd Infantry Battalion, ang nadakip na si Walton Juljirin.

Umabot, aniya, sa limang minuto ang labanan bago naaaresto si Juljirin sa Sitio Kan Bading, Barangay Taung sa Patikul.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

“Our soldiers eventually captured Juljirin, the ASG subleader during the clearing operation after a brief encounter with the ASG in the area,” pahayag ni Sobejana.

Nilinaw ni Sobejana na kaagad na binigyan ng medical attention si Juljirin bago nila ito dinala sa headquarters ng 501st Brigade sa Bgy. Tagbak sa Indanan, Sulu.

Nasamsam din umano sa bandido ang isang .7.62 caliber FN-G1 rifle, ilang magazine at bala, isang improvised explosive device (IED), at dalawang granada.

Malaki rin, aniya, ang tulong ng mga sibilyan sa pagkakadakip kay Juljirin.