Ni Beth Camia

Tinatayang 50,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa lahat ng pantalan sa bansa, anim na oras bago ang Easter Sunday.

Batay sa record ng PCG, 6:00 kamakalawa ng gabi hanggang 12:00 kahapon ng madaling araw, pumalo sa 46,910 ang bilang ng mga pasahero kumpara sa 17,315 na naitala sa huling anim na oras noong Biyernes Santo.

Sa panayam kay PCG Commander Armand Balilo, inaasahan nilang dadami pa ang bilang ng mga bakasyunista na babalik ng Metro Manila sakay ng RO-RO passenger ships mula sa mga probinsya.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'