Ni Anthony Giron

CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite - Nakorner ng mga tauhan ng Cavite Police Provincial Office (CPPO) ang 30 umano’y drug pusher at user sa limang araw na anti-illegal drug operation sa lalawigan.

Walo sa mga naaresto ay nalambat sa Barangay Salinas I, Bacoor District; sa Barangays 56 at 48-A sa Cavite City; at Barangays Julugan VII at Milagrosa sa Tanza; at Carmona, ayon sa pagkakasunod.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pagmama l a k i n g CPPO, resulta lamang ito ng pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa talamak na ipinagbabawal na gamot sa probinsiya.

Idinetalye pa ng pulisya na naitala nila sa Cavite ang pinakamaraming nahuhuling drug personalities, sa nakalipas na tatlong buwan.

Bukod dito, tinututukan din ng pulisya ang pagkalat ng ipinagbabawal na gamot sa Region IV-A, na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.