Ni Leslie Ann G. Aquino

Sinabi ng Commission on Elections na maaari pa ring tumakbo sa 2022 ang 24 party-list groups na inalis sa listahan.

Ito ay kung pagkakalooban sila ng bagong registration o accreditation.

“The 24 party-lists delisted under Resolution No. 10273 dated March 19 cannot run in the 2019 elections. But they can run in 2022, if they have been granted new registration/accreditation,” saad sa Twitter account ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa @ commrguanzon.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ngunit sinabi niya na nakasaad sa Comelec Resolution No. 10273 na ang alinmang “party-list groups, organizations, and coalitions adversely affected by our Resolution may file a reconsideration with the Clerk of the Commission 10 days from notice hereof.”

Ipinag-utos ng poll body na alisin sa listahan ang 24 party-list organizations dahil sa kabiguang makilahok sa dalawang nakalipas na halalan; kabiguang makakuha ng dalawang porsiyento ng mga boto para sa party-list system at kabiguang makakuha ng puwesto sa second round ng seat allocation para sa party-list system sa nakaraang dalawang halalan.

Kabilang sa naalis sa listahan dahil sa kabiguang makilahok sa dalawang halalan ang: ARCAPP, BIDA, CHINOY, SABOD at WPI.

Ang partylist groups naman na inalis sa listahan dahil sa kabiguang makakuha ng 2% ng boto para sa party-list elections at hindi nakakuha ng puwesto sa second round ng seat allocation para sa party-list system sa nakalipas na dalawang halalan ay ang mga sumusunod: DISABLED/ PWD, SANLAKAS, ABANTE RETIREES, 1-ABILIDAD, PISTON, ALE, ANG PROLIFE, ATING GURO, UMALAB KA, AMA, AMOR SEAMAN, 1-AALALAY, MTM PHILS, ANG KASANGGA, AGHAM, MIGRANTE, AWAT MINDANAO, 1-PABAHAY

Inalis naman sa listahan ang COCOFED dahil sa kabiguang makakuha ng puwesto sa second round ng seat allocation para sa party-list system noong 2010 at 2013 elections at kabiguang makilahok sa 2016 polls.