Inaprubahan ng Kamara ang pagbuwag sa Road Board bunsod ng mga alegasyon ng maling paggamit ng public funds, tiwaling paglalaan ng pondo, at graft and corruption.

Batay sa HB 7436, napapanahon nang buwagin ang Road Board kung hindi nito nagagampanan ang mga tungkulin nito.

Pinangangasiwaan ng Road Board ang mga pondo mula sa koleksiyon ng Motor Vehicle User’s Charge (MVUC), na dapat na gamitin lamang sa road maintenance at pagpapabuti sa mga kanal, pagkakabit ng mga traffic lights, road safety devices, at air pollution control.

Gayunman, natuklasan ng Commission on Audit (CoA) ang umano’y mga iregularidad sa paggamit ng MVUC funds. - Bert de Guzman

‘Loveetttee!' Vice Ganda, pinuri panunupalpal ni Anne Curtis sa basher