Ni LESLEY CAMINADE VESTIL

CEBU CITY - Aabot sa P13 milyon halaga ng droga ang nasamsam, at siyam na umano’y drug personality ang naaresto sa anti-illegal drugs operations sa Cebu City nitong Biyernes Santo.

Sa pahayag ni Cebu City Police Office (CCPO)-Intelligence Branch Chief Supt. Christopher Naveda, nagawa nilang madakip ang mga suspek sa tulong ng mga residente at ng mga dati na nilang nadakip na drug dealer.

Inamin ni Naveda na matagal na nilang sinusubaybayan ang ilegal na gawain ng mga suspek at nang makakuha sila ng pagkakataon ay nagsagawa na sila ng operasyon laban sa mga ito.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Kabilang sa mga dinakip si Mario De Jesus, security guard, ng Barangay Basak, San Nicolas na nakumpiskahan umano ng apat na malalaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P11.8 milyon; ang mag-asawang Marcelo Pinesilya at Yolanda Silverio, ng Bgy. Alaska, Mambaling, na nakuhanan umano ng apat na malalaki at tatlong maliliit na pakete ng shabu (P153,000).

Sa inilatag na buy-bust operation sa A. Lopez, Bgy. Labangon, nalambat naman sina Loremar Carcueva at Mark Bryan Lopez, na nasamsaman umano ng pitong maliliit na pakete ng shabu (P295,000).

Dalawang drug personality naman ang nakorner sa

Bgy. Mabolo, sina Reychillo Valdez at Raymund Englatera, na nakumpiskahan din ng 10 pakete ng shabu (P208,000).

Karamihan sa mga natiklo ay sinasabing may koneksiyon sa loob ng kulungan sa Cebu City, ayon kay Naveda.