Ni Hans Amancio

Tinatayang aabot sa P100,000 ang kabuuang halaga ng ari-ariang natupok sa sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni SFO2 Armando Baldillo, arson investigator, nagsimula ang apoy sa unang palapag ng bahay ni Jose Cruz, 73, sa No. 783 Interior 2, Ma. Guizon Street, sa Tondo, dakong 1:25 ng madaling araw.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula ng mga bombero, dakong 2:41 ng madaling araw.

Nabatid na dalawang pamilya ang apektado sa nasabing insidente.

Probinsya

Halos 700 katao, naitalang lumabag sa 'topless ordinance' sa loob ng isang linggo sa Davao City

Walang naiulat na nasaktan o namatay sa sunog.