Ni Nitz Miralles

AYAW pa sana naming maniwala sa kuwento ni Michael V sa presscon ng Lip Sync Battle na sa laki ng talent fee niya sa kanyang three shows sa GMA-7, sa isang linggo, P3,000 lang ang perang hawak niya. Iyon lang ang allowance na ibinibigay sa kanya ng misis at manager niyang si Carol at dapat pagkasyahin niya.

mv

“Wala ring natitira sa akin dahil lahat napupunta sa PA (personal assistant) ko. T a t l o nga ang shows ko na puro taped at may PA ako sa Bubble Gang, Pepito Manaloto at dito sa Lip Sync Battle, sa kanila napupunta ang P3,000 ko.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

At the end of the week, wala na akong pera,” sabi ni Michael V.

Ilang beses na raw siyang napapahiya ‘pag kailangan niya ng pera, pero wala s iyang madukot . Kahit pambayad sa parking wala siya, kahit P500 lang at sinasabi na lang niya na nakalimutan niya ang kanyang wallet.

Ikinagulat din at ikinatawa ng press people ang isa pang tsika ni Michael V na lahat o 100 percent ng talent fee niya ay napupunta sa kanyang asawa.

“Thirty percent ang commission niya as my manager, pero ang remaining 70 percent, sa kanya pa rin napupunta.

Ibinibigay ko, kaya wala ring natitira sa akin. Kailangan ko kasi ng magaling na manager at siya ang magaling at sa sobrang galing niya, hindi lang career ko ang mina-manage niya, pati buhay at finances ko,” kuwento pa niya.

Anyway, sabi ni Michael V., sa pilot ng Season 3 ng Lip Sync Battle, may pasabog production number sila ni Iya Villania na color commentator ng musical-reality competition at mamaya na ‘yun, kaya abangan.

Maglalaban-laban sa pilot episode ang cast ng hit primetime drama na Kambal Karibal. Nagbabalik ang tag-team champion na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, pero magkalaban sila ngayon. Si Kyline Alcantara ang kakampi ni Bianca at si Jeric Gonzales naman ang kakampi ni Miguel.