Hinikayat ng isang obispo ng Simbahang Katoliko ang mga magsisipagtapos sa paaralan ngayong taon na ipagbunyi at kilalanin ang sakripisyo ng kanilang mga magulang at mga guro.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCE), tulad ng mga estudyante na nagsikap sa kanilang pag-aaral, dapat ding bigyang-pansin ang naging bahagi ng mga magulang at mga guro na kaakibat para sa unti-unting pagkakamit ng kanilang tagumpay sa buhay.

“Gusto kong bigyan ng espesyal na papuri ang ating mga teachers at mga magulang, sa kanila din itong graduation na natamo ng kanilang mga anak, sapagkat sila ang unang-unang nagsakripisyo nang madami,” sinabi ni Mallari sa panayam ng Radio Veritas. “Maraming bagay na ginawa nila ang mamatay sa sarili para mapagtapos ang mga kanilang mga anak. Ganundin ang mga teachers ang kanilang pagsasakripisyo para matuto ang mga estudyante natin.”

Inihalintulad din ng Obispo ang karanasan at sakripisyo ng magsisipagtapos bilang hakbang sa pagkakamit ng tagumpay sa buhay.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“Salamat dahil itong mga estudyante, niyakap nila ang Krus na kanilang pag-aaral, pagpupuyat na ginawa, pagsasakripisyo rin. Talagang itong graduation ay parang karanasan ng muling pagkabuhay ni Kristo…nasa panahon tayo ng Holy Week. Pero dito mismo sa graduation makikita natin at matatanaw kung ano ang nagiging bunga ng pagsasaripisyo natin nang may pagmamahal,” aniya pa. - Mary Ann Santiago