Ni BEN R. ROSARIO

Ipagkakaloob sa Siargao ang kinakailangan nitong budget upang mapondohan ang tourism infrastructure na titiyak sa ligtas at kumbinyenteng pagbisita ng mga turista sa surfing capital ng Pilipinas.

Ito ang tiniyak kahapon ni House Speaker Pantaleon Alvarez kasunod ng pagba-viral ng hindi magandang karanasan ng pamilya ng mag-asawang broadcaster na sina Karen Davila at DJ Sta. Ana nang magbakasyon ang mga ito sa Siargao.

Sa isang social media post, idinetalye ni Davila ang nakaka-trauma na karanasan ng kanyang pamilya sa isla, na dinayo nila upang isailalim sa surfing training ang kanyang mga anak na sina David at Lucas.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon sa post ni Davila, 30 minuto matapos niyang ihabilin sa dalawang trainer ang kanyang mga anak ay humahangos na dumating ang kanyang anak na si David “bloodied, with his rash guard ripped apart”. Sinabi ng bata na naaksidente siya.

Sa nasabing post, sinabi ni Davila na sa kabila ng may P1.2 bilyon inilaan para pagandahin ang tourism infrastructure sa Siargao ay hindi man lamang magawa ng isla “[to] professionalize its trainers”.

“It is unfortunate that broadcaster Karen Davila and her family had such traumatic experience in Siargao,” saad sa pahayag kahapon ni Alvarez.

Ayon sa lider ng Kamara, tinalakay niya ang problema kina Surigao del Norte Rep. Francisco Jose Matugas at Gov. Sol Matugas, at tiniyak na kumikilos na ang dalawang opisyal upang maresolba ang problema sa imprastruktura sa isla na tinukoy sa post ni Davila.

Kabilang sa mga ito ang kawalan ng first aid at medical facilities para sa mga emergency—gaya ng nangyari sa anak ng broadcaster—at isa pang isyung pangkalusugan na hinaharap ng mga lokal at dayuhang turista na dumadayo sa Siargao.

“I will make sure that the budget is released for these projects,” sabi pa ni Alvarez. “Second, local government units in popular tourist sites should ensure that tourist facilities in their respective areas are properly maintained. Beach resorts should always have lifeguards on duty and surfing and diving instructors should have proper training and possess the requisite certification.

“LGUs in coordination with the Department of Tourism should conduct regular inspections of the facilities of tourist destinations to ensure public safety at all times.

“And fourth, particularly in the case of Cloud 9 surfing site, it should have adequate lighting at night. Otherwise, there should be no nighttime surfing to prevent any untoward incident,” sabi pa ng House Speaker.