BILANG paghahanda sa mga darating na malalaking international competitions na nakatakda nilang salihan, nagbuo na ng kanilang national pool ang Jiu-Jitsu Federation of the Philippines.

Buhat sa mga invitational tournaments, mapapabilang na rin ang sport sa Asian Games na gaganapin sa Indonesia ngayong taon at sa Southeast Asian Games sa susunod na taon.

Kaugnay nito, minarapat ng NSA ng jiu-jitsu na bumuo na ng kanilang national team na binubuo ng kanilang mga miyembrong asosasyon sa buong bansa kabilang na ang Team Fabricio, Atos Jiu-Jitsu Philippines, Clube de JiuJitsu Filipinas, Origins Brazilian JiuJitsu, Overlimit JiuJitsu Academy, at Checkmat.

Napili naman upang maging coach ng national pool si Hansel Co.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Co ang nagwagi ng gold medal noong 2016 Ju-Jitsu International Federation Black Belt Division sa - 77kg.

Ang mga bubuo sa pool sa men’s division ay sina Jan Cortez (-56kg), Erwin Tagle (-56kg), Eros Baluyot (-62kg), Gian Dee (-62kg), Carlo Pena (-69kg), Mark Lim (-69kg), Adrian Guggenheim (-77kg), Rian Seranilla (-77kg), Dean Roxas (-85kg), Marvin Mariano (-85kg), Luigi Ladera (-94kg), Gilbert Ombao (-94kg), Lemuel Basa (+94kg), at Romeo Arellano (+94kg).

Para naman sa women’s division, kabilang sa pool sina 5th Asian Indoor and Martial Arts Games gold medalists Meggie Ochoa (-49kg) at Annie Ramirez (-62kg) at sina ,Yani Tan (-46kg), Kaila Napolis (-49kg), Mara Rafael (-55kg), Sara Tagle (-55kg), Apryl Eppinger (-62kg), Andi Lao (-70kg), Lou Ann Gutierrez (-70kg), Dylan Valmores (+70kg), at Natasha Rodriguez (+70kg).

Ang komposisyon ng koponan ay hindi pa pinal dahil minabuti ng JJFP na patuloy na tumanggap ng mga karapat-dapat na mga jiu-jitsu practitioners bilang miyembro ayon kay assistant coach at many time SEAGames judo gold medalist John Baylon.

“Lahat naman tayo magaling, kung meron sila ng requirements sa national selections, join,” ani Baylon. “Simple lang, hindi masyadong mahirap. Magtulungan na lang tayo, dapat magkaisa tayo. One jiu-jitsu.”

Kabilang sa mga nakahanay na torneong nakatakda nilang salihan bilang paghahanda sa 2018 Asian Games sa Agosto ay ang Abu Dhabi World Professional Jiu-jitsu Championships sa Abril 16-29, Jiu-jitsu World League sa Los Angeles, USA sa Mayo 19, at JJIF European Championships sa Hunyo 8-10. - Marivic Awitan