Ipinagdiinan ng chief legal adviser ni Pangulong Duterte na mayroong ilang probisyon ang Rome Statute, ang kasunduan na bumuo sa International Criminal Court, na labag sa Philippine Constitution.

Ito ang ipinahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Pañelo sa gitna ng desisyon ni Pangulong Duterte na alisin ang Pilipinas mula sa ICC, sinabing parte ito ng plano laban sa kanya.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Pañelo na ang Rome Statute ay hindi maaaring ipatupad sa bansa dahil hindi ito nakalathala sa Official Gazette. Ngunit kahit na ito ay nakalathala, sinabi ni Pañelo na ito ay unconstitutional.

“(T)here’s a provision there that says hindi mo puwedeng gamitin iyong mga immunity provision ng isang bansa. Hindi naman pupuwede iyon kasi nasa Saligang Batas natin, you cannot sue the President during the tenure of his office,” sabi ni Pañelo sa panayam sa DWFM.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

“Nakalagay doon, kapag nag-trial at absuwelto, puwedeng mag-appeal ang prosecutor. Hindi puwede sa atin ‘yun dahil may [probisyon na] you cannot sue the accused twice over,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Pañelo na hindi na kinakailangan ng Pilipinas ang ICC dahil kaya nitong parusahan ang mga abusadong opisyal, partikular na ang mga lider nito.

“In other words, it was created to punish, to prosecute abusive leaders. We elect Presidents, we ousted Presidents. Kailangan ba natin ng ICC? Hindi,” sambit ni Pañelo.

“At saka withdrawing from the [ICC] will not even affect our foreign investment or the coming in of tourist. Wala, wala naman talagang saysay o tulong iyan,” dugtong niya. - Argyll Cyrus B. Geducos