IBINIGAY kay Alexander “Alex” Dinoy ang tiwala ng Filipino chess community kung pag-uusapan ang pag arbiter sa isang chess tournament base na din sa naging resulta kamakailan sa matagumpay na eleksiyon ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP).

Ang San Juan City pride at Quezon City resident na si Dinoy, over-all in charge ng nationwide at longest running active chess ng bansa na Shell National Youth Active Chess, ang nakakuha ng pinakamaraming boto na 64 para pangunahan ang bagong CAUP 15 Board of Directors na nahalal na ginanap sa Ramon Magsaysay High School, Cubao. Si Dinoy ay dating miyembro ng varsity team na Central College of the Philippines (CCP) chess team kasama si Australia-based Fide Master Jesse Noel Sales.

Nasa ika-2 puwesto naman si Alfredo Chay na may nakuhang 57 na boto. Si Chay na taga Bulacan ang nagpasikat ng larong chess sa Quezon Memorial Circle sa ilalim ng dating termino ni Charito Planas. Nasa ika-3 puwesto naman ang maestro ng lahat sa pag-aarbiter na si G.Genoroso “Gene” Poliarco na may nakuhang 52 na boto .Si G. Poliarco na ipinagmamalaki ng Cavite ang masasabing ama ng Philippine Chess sa arbitration.

Nasa ika-4 na puwesto naman si Elias Lao na may 47 botong nakuha, kasunod si Red Dumuk na may nakuhang 40 na boto. Si G. Dumuk ang Executive Director at Deputy Secretary-General ng National Chess Federation of the Philippines na magiting na pinamumunuan nina Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr. at Secretary-General Rep. Abraham “Bambol” Tolentino Jr.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang iba pang nakapasok sa top 15 ay sina No.7 Nestor Barbosa Sr. (36 votes), No.8 Illan Perez (36 votes), No.9 Ferdinand Reyes Sr.(36 votes), No.10 James Infiesto (33 votes), No.11 NM Rudy Ibanez (30 votes), No.12 Felix Poloyapoy Jr. (30 votes), No.13 Patrick Lee (28 votes), No.14 Noel Morales (27 votes) at No.15 Joel Villanueva (19 votes).