Tuloy na ang magkakasunod na biyahe ni Pangulong Duterte sa mga kalapit nating bansa sa Southeast Asia.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa April 9-10 ay nasa China ang Pangulo para dumalo sa Boao Forum sa lalawigan ng Hainan.

Ang Boao Forum ay taunang pagtitipon ng government at business leaders, na bersiyon ng Asya ng World Economic Forum.

Ito ang magiging ikatlong pagbisita ni Duterte sa China simula nang maging presidente siya ng bansa.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Matapos ang kanyang biyahe sa Hainan, diretso naman sa Hong Kong ang Pangulo sa Abril 11-12, at makikipagkita siya sa Filipino community doon.

Dadalo rin ang Pangulo sa 32nd Leaders Summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Abril 25-28 sa Singapore. - Beth Camia