HUMIHIRIT ang mga batang bilyarista na maging tulad ng idolong si Bata Reyes.
HUMIHIRIT ang mga batang bilyarista na maging tulad ng idolong si Bata Reyes.

KUNG gusto maraming paraan, kung ayaw ay maraming dahilan. Ito ang nais iparating ng mag-aaral ng Ponciano Bernardo School sa Cubao Quezon City sa kagustuhang maipagpatuloy ang kinahihiligang paglalaro ng pool o bilyar ay naka isip sila ng unique na improvise mini billiard table.

“Hindi namin po kasi kaya namin magbayad ng araw-araw na mag rent sa billiard hall. Mahal po kasi at wala naman libreng bilyaran sa lugar namin,” paliwanag ng pinakabatang founder ng Batay Kids billiard team ang 10 years old na si Emmanuel “Em-em” Bernardino, Grade five pupil ng Ponciano Bernardo School sa Cubao Quezon City.

Ayon kay Em-em nauna nilang nakahiligan maglaro ng basketball subalit dahil na din sa nakakapurwisyo sila ng katahimikan ng kanilang lugar kung saan ang bola ay tumatama sa mga bahay, napilitan silang tanggalin ang half court basketball ring.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Lubos naman ang kasiyahan ng may-ari ng tindahan na kung tawagin ay Lola Glo at Tita Glo sa mapamaraan ng mga kabataan. “Natutuwa ako sa mga bata kasi tahimik silang naglalaro ng billiard at hindi gaya dati na maingay dahil sa bola ng basketball saka may nag skateboard pa sa kalye dati na delikado kasi bukod sa walang protective gear ay may tamang lugar sa skateboard,” ani ng senior citizen na 70 years old na si Glo Buan, buong Bataan.

“Bukod sa pagbaba basketball ay nag try din ako mag bike subalit nadisgrasya ako kasi maliit ako tapus malaki yung bike,” giit pa ni Em-em.

Ayon kay Em-em kasama niyang gumawa ng unique improvise mini-billiard table ang kababata niyang si 12 years old Joeboy O. Gracilla at ang kanyang nakatatandang kapatid na si 13 years old Anthony Kyle Bernardino.

“My friend kami ni Em-em nagbigay ng kahoy para sa pag gawa ng mini billiard table at yung gagamitin namin na cue sticks habang nag-ambag-ambag kami para maka bili ng holen o jolen na gagamitin namin bilang pinaka bola sa billiard,” giit ni 12 years old Joeboy O. Gracilla, grade five pupil din ng Ponciano Bernardo School sa Cubao Quezon City.

“Nagkahilig kami sa billiard kasi nakita namin sa youtube si Efren “Bata” Reyes,” giit pa ni Em-em. “Sana makabisita siya sa lugar namin para mapakita namin sa kanya yung na imbento namin at makalaban na din siya para maturan kami ng teknik,” huling pananalita ni Em-em. Ang dating World Junior Philippine Representative na si Jonas Magpantay, isang pro billiard ay dating naninirahan sa lugar ng mga Batay Kids billiard team na matatagpuan sa Barangay Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

Bukod sa magkapatid na Emmanuel “Em-em” at Anthony Kyle at Joeboy kasama din sa miyembro ng Batay kids billiard team ay sina 11 years old Rhonalyn Molania at 12 years old Jan Marc Tayong, mga estudyante din ng Ponciano Bernardo School sa Cubao Quezon City.

Bukod sa billiard, ang Batay kids ang tinanghal ding over-all champion sa liga ng Basketball sa Barangay Kaunlaran sa magiting na pamumuno ng magkapatid na Tessa at Roldan Atentar, na kilalang supporter din ng larong chess at volleyball.