SAN FRANCISCO (Reuters) – Ayon sa administrasyon ni US President Donald Trump, hindi na dapat asahan ang pagpapalaya sa maraming buntis, na isinelda ng immigration authorities, kabaligtaran sa direktiba ng administrasyong Obama.

Isa-isang pagtutuunan ng U.S. Immigration and Customs Enforcement officers ang kaso sa ilalim ng bagong polisiya. Ang mga babaeng malapit nang manganak ay palalayain pa rin tulad ng dati, ayon kay Philip Miller, ICE deputy executive associate director.

“Just like there are men who commit heinous acts violent acts, so too have we had women in custody that commit heinous acts,” sabi ni Miller sa mga mamamahayag nitong Huwebes.

Nangako ang Republican president na matitigil na ang illegal immigration, kabilang ang mga polisiya sa kung sino ang maaaring palayain habang nakabimbin ang kaso.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina