BORNO (AFP) – Apat na dalagitang suicide bombers ang pumatay ng dalawang katao sa multiple attacks sa hilagang silangan ng Nigeria, sinabi ng mga residente nitong Sabado.

Naganap ang pag-atake nitong Biyernes ng gabi sa hilagang silangan ng Borno, ang kabisera ng estado ng Maiduguri, ang sentro ng Islamist insurgency ng grupong Boko Haram.

Umatake ang mga dalagita, tinatayang nasa edad 13 at 18, sa Zawuya settlement sa labas ng Maiduguri, na ikinamatay ng dalawang katao.

“We lost two people, a woman and a boy, in two of the four suicide explosions,” sinabi ni Zawuya resident Musa Haruna Isa.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Isa sa mga bomber ang sumabog habang inaakyat ang pader ng isang bahay na gumuho nang pinasabog niya ang kanyang explosive belt.

“One of them exploded near an open-air mosque, injuring one person,” aniya, idinagdag na isa pang bomber “panicked from the explosions from her colleagues and squeezed the trigger in the open, killing only herself.”

Sinabi ng pulisya na isang biktima lamang ang namatay sa mga pag-atake.

“They (bombers) detonated the explosives killing themselves and one other person... 13 persons were injured and were taken to a hospital where they are responding to treatment,” ipinahayag ng Maiduguri police.