CALIFORNIA (AP) – Mas interesado ang golfing community sa pulang t-shirt kesya sa berdeng jacket sa pagpalo ng Masters.
Nagbalik aksiyon si Tiger Woods sa ikalawang pagkakatapn sa nakalipas na limang taon, ngunit, pinananabikan ang kanyang muling pagtuntong sa Augusta National dahil sa pormang nagbigay sa kanyang ng dangal may 15 taon na ang nakalilipas.
Mas malakas. Mas kumpiyansa sa kanyang short game. At mas mabigat ang kanyang putting kumpara sa nakalipas na mga taon.
Sa kabila ng pagiging world ranked No. 100 o maging ng katotohanan na 13 taon na ang nagdaan nang huli siyang maging kampeon sa Masters, nakaantabay ang golfing community na masilayan ang paglaro ni Woods suot ang pulang t-shirt.
Maipapantay ang kasabikan ng fans sa pagbabalik ni Woods mula sa ikaapat na surgery sa likod nang panahong dominado niya ang Tour bilang No.1 at tangan ang 79 Tour wins at 14 major title.
Sa tatlong torneo na nilahukan ni Woods bago ang Masters, palaban ang dating world No.1 at may pagkakataon muling magtagumpay. Sa Valspar Championship, kailangan lamang niyang maisalpak ang 40-foot birdie putt sa No.18 para maipuersa ang playoff.
“For him to come back and win ... I don’t think it’s going to be a huge surprise now,” pahayag ni world No.1 Jason Day.