Will Ferrell
Will Ferrell

NAPUNO na si Will Ferrell sa Facebook.

Inihayag ng komedyante sa isang post sa social-media platform na buburahin niya ang kanyang Facebook account na kasalukuyang mayroong 10.1 million fans.

Isiniwalat ni Ferrell ang hindi maayos na paghawak ng Facebook sa user data sa kaso ng Cambridge Analytica, isang U.K.-based political data-analytics firm na nakakuha ng mga hindi awtorisadong impormasyon ng 50 milyong users, nang walang permiso. Nangako naman ang Facebook na gagawa ng mga pagbabago upang bigyan ang mga user ng mas personal na kontrol sa kanilang privacy settings at pagbabawal sa paggamit ng data nito sa platform. Humingi na ng paumanhin ang CEO na si Mark Zuckerberg hinggil sa kontrobersiya. Ngunit malinaw na hindi nakuntento si Ferrell sa ginawang aksiyon ng social media platform.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I know I am not alone when I say that I was very disturbed to hear about Cambridge Analytica’s misuse of millions of Facebook users’ information in order to undermine our democracy and infringe on our citizens’ privacy,” saad ni Ferrell sa kanyang post.

Aniya pa, “I can no longer, in good conscience, use the services of a company that allowed the spread of propaganda and directly aimed it at those most vulnerable.”

Sumali rin si Ferrell sa budding revolt laban sa Facebook, dahil sa pag-usbong ng kahihiyan hinggil sa user-privacy setting ng Facebook. Nagpahayag din ang Playboy na aalis na ito sa platform, nang burahin ni Elon Musk ang kanyang Facebook pages para sa Tesla Motors at SpaceX nitong nakaraang linggo. Nanawagan naman si Brian Acton, co-founder ng messaging app na WhatsApp — na nabili ng Facebook sa halagang $19 billion — na iboykot ang Facebook sa kanyang tweet noong Marso 20: “It is time. #deletefacebook.”

Inamin ni Ferrell, sa kanyang farewell post sa Facebook,  na siya ay “always had an aversion to social media” at sanay na rito dahil ginagamit niya ito “to help support our work at Funny Or Die” — ang comedy media company na kasama niyang nagtatag — gayundin ang kanyang personal na proyekto at charity causes. Walang Twitter o Instagram account si Ferrel.

Narito ang buong konteksto ng mensahe ni Ferrell na ipinost niya nitong Martes:

“Hi Friends,

“I’m reaching out to let you know that in 72 hours I will be deleting my Facebook account. I am not deleting it immediately, in order to give this message enough time to get across to my fans and followers.

“I have always had an aversion to social media and have primarily used it as a tool to help support our work at Funny Or Die, some of my personal projects, as well as charity causes that I am passionate about. Facebook allowed me to promote and share the work of many dedicated and talented individuals who deserved recognition.

“I know I am not alone when I say that I was very disturbed to hear about Cambridge Analytica’s misuse of millions of Facebook users’ information in order to undermine our democracy and infringe on our citizens’ privacy. I was further appalled to learn that Facebook’s reaction to such a violation was to suspend the account of the Cambridge Analytica whistleblower.

“In this day and age, with misinformation running rampant, it’s important that we protect the truth, as well as those who work to bring it to light. I can no longer, in good conscience, use the services of a company that allowed the spread of propaganda and directly aimed it at those most vulnerable.

“I love my fans and hope to further interact with them through my comedy via the mediums of film and television.-Will Ferrell” - Variety