ni Nora Calderon
KAALIWAN ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang anak nilang si Letizia sa pagbabakasyon nila sa Europe. Araw-araw ay may update sila kung saan sila pumunta at siyempre, may mga kasamang photos nila.
Last Holy Wednesday habang nasa Monte-Carlo, Monaco sila, nag-post si Dingdong ng picture ng anak with a caption: “In our every destination, we make sure to visit local churches na ang tawag ni Letizia ay ‘Papa God’s house.’ Isa ito sa pinaka-trip niyang ginagawa namin dahil ang dami niyang tanong tungkol sa mga rebulto like, ‘who’s dat?’ and ‘wachurname?’”
But her most asked question, even at home is, ‘Why Papa God has blood on his hands, feet, and ribs?’ It is just amazing that in the process of trying to explain it to her, I also got to reflect a bit on why He really is on that cross. Something na hindi ko naman talaga naiisip araw-araw pero, hayun, natumbok niya lalo na’t Semana Santa pa. Kaya’t heto, tumambay muna kami sa steps ng Saint Nicolas Cathedral in Monaco, at kasama pa ang bagong manika ni Letizia na si Monica. #aroundZworld.”
Nakakatuwa sina Dingdong at Marian, habang bata pa ang kanilang anak na talaga namang very smart, ay iminumulat na nila tungkol kay Papa God.
Have a meaningful Holy Week everyone!