Pope Francis celebrates the Good Friday Passion of Christ Mass inside St. Peter's Basilica, at the Vatican, Friday, March 30, 2018. Pope Francis began the Good Friday service at the Vatican with the Passion of Christ Mass and hours later will go to the ancient Colosseum in Rome for the traditional Way of the Cross procession. (AP Photo/Andrew Medichini)VATICAN CITY (Reuters) – Kinontra ng Vatican nitong Huwebes ang pahayag ng isang kilalang Italian journalist na sinipi si Pope Francis na nagsabing hindi totoong may impiyerno.

Naglabas ng pahayag ang Vatican matapos kumalat ang mga komento sa social media, idiniin na hindi nito maaayos na napagnilayan ang mga sinabi ng papa.

Nakipagpulong si Eugenio Scalfari, 93, sumusumpang atheist na naging kaibigan ni Pope Francis, sa papa kamakailan at nagsulat ng isang mahabang istorya na mayroong question-and-answer section sa dulo.

Sinabi ng Vatican na hindi nagbigay ng panayam ang papa kay Scalfari at ang artikulo “was the fruit of his reconstruction” at hindi “faithful transcription of the Holy Father’s words”.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ipinagmalaki ni Scalfari, founder ng pahayagang La Repubblica ng Italy, ang hindi niya pagsusulat ng notes at paggamit ng tape recorders sa kanyan mga encounter sa mga lider at kalaunan ay nire-reconstruct ang mga pagpupulong para lumikha ng mahahabang artikulo.

Nakasaad sa artikulo ni Scalfari na inilatahala sa La Repubblica nitong Huwebes na tinanong niya ang papa kung saan napupunta ang “bad souls” at kung saan sila pinaparusahan. Sinabi umano ng papa na:

“They are not punished. Those who repent obtain God’s forgiveness and take their place among the ranks of those who contemplate him, but those who do not repent and cannot be forgiven disappear. A Hell doesn’t exist, the disappearance of sinning souls exists.”

Nakasaad sa universal catechism ng Simbahang Katoliko na “The teaching of the Catholic Church affirms the existence of hell and its eternity.” Ipinapangaral nito ang “eternal fire” at ang “chief punishment of hell is eternal separation from God”.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na naglabas ng pahayag ang Vatican na kinokontra ang mga artikulo ni Scalfari tungkol sa papa, kabilang na noong 2014 kung kailan sinabi nito na binura ng papa ang kasalanan.