Kylie at Travis
Kylie at Travis

SINAMPAHAN ng kaso si Travis Scott dahil sa kanyang pagba-back out sa concert, ilang araw makaraang isilang ng girlfriend niyang si Kylie Jenner ang kanilang anak na si Stormi.

Sa lawsuit na isinumite ng PJAM entertainment events company  noong Marso 20, na nakuha ng The Blast nitong Miyerkules, si Scott — ipinanganak na Jacques Webster — ay nakakontrata at nakatakdang magtanghal sa Myth Live nightclub malapit sa Minneapolis, Minnesota, noong Pebrero 3, isang araw bago ginanap ang Super Bowl LII noong Pebrero 4.

Ayon sa kaso, noong araw na iyon, “despite his contractual obligations, (Scott) refused to show up for the event.”

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ang pre-scheduled show ay naganap dalawang araw matapos isilang ni Jenner, 20, si Stormi noong Pebrero 1.

Ayon sa mga dokumento, ang rapper, 25, ay lumagda ng kontrata noong Enero 24 at binayaran ng paunang $150,000 -- na umano’y hindi pa niya nababayaran – at binayaran din ang kanyang booking agent ng $10,000. Bilang karagdagan, nakahanda rin ang isang private jet para sa mga travel accommodation ni Scott. Nakasaad sa kontrata na ginarantiyahan si Scott ng $200,000 sa kabuuan.

“As a result of this breach, (PJAM) suffered significant damages including the sums paid to XX Global (the legal agent and representative of Scott) and (Scott) and their booking agent, the sums paid to arrange Webster’s travel, the sum’s paid to advertise the event, lease the venue and hire staff, and the lost profits (PJAM) would have realized on this event,” saad sa kaso.

Inilahad ng kumpanya na nagkaroon sila ng “reputational harm” dahil sa hindi pagsipot ni Scott at humingi sila ng jury trial. Humihingi sila ng kumpensasyon para sa mga pinsala, coverage ng bayad sa abogado, at prejudgment interest.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang kinatawan ni Scott nang hingan ng pahayag ng People. - People