Ni TARA YAP

Ehra Madrigal
Ehra Madrigal
ILOILO CITY – Isang lalaki ang nasawi, habang nakaligtas naman ang mga aktres na sina Bianca Manalo at Ehra Madrigal, gayundin si Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan nang lumubog ang sinasakyan nilang speedboat nitong Huwebes Santo.

Kinumpirma ni Senior Insp. Glen Jaromay, hepe ng kalapit na Sebaste Police, na lumubog ang speedboat na kinalululanan ng alkalde at ng dalawang aktres bago magtanghali nitong Huwebes.

Hinampas ng malalakas na alon ang bangka may limang kilometro ang layo mula sa baybayin ng Barangay Aras-Aras.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nang mabatid ng mga awtoridad ang insidente dakong tanghali, kaagad na sumaklolo ang mga awtoridad, kabilang ang mga pulis, bombero, mangingisda at lokal na disaster responder sa rescue operation na inabot ng halos apat na oras.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Bennie Benedicto Dable, ang 50-anyos na bodyguard ng alkalde. Si Dable rin ang nagmaniobra sa speedboat.

Bukod kina Tan, Manalo at Madrigal, nakaligtas din sina Mejel Tresche, Tom Yeung, Torebeo Barrientos, isa pang hindi nakilalang babae, at dalawang menor de edad.

Patungo sa Marasison Island, kilalang beach destination sa bayan ng Culasi, ang speedboat nang mangyari ang insidente.

Inimbitahan ng 41-anyos na alkalde sina Manalo at Madrigal upang bisitahina ng Pandan. Kilala ring dayuhin ng mga turista ang Bugang River at Malumpati Spring ng nasabing bayan.

May ulat ni Fer Taboy