Sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III na imposible nang maibahagi sa ibang senador ang pamamahala sa Mataas na Kapulungan kahit pa kakandidato siya sa May 2019 midterm elections.

“Mukhang wala, kasi lampas na ng halfway so that’s the best proof na walang term-sharing,” sinabi ni Pimentel sa mga mamamahayag sa panayam kamakailan.

Una nang sinabi ni Pimentel na handa siyang magbitiw sa puwesto bilang Senate President sa gitna ng kanyang planong re-election sa 2019. Ngunit pinabulaanan niya ang ulat na ibabahagi niya ang kanyang termino kay Majority Leader Vicente Sotto III.

Nilinaw niya na hihingi lamang siya ng tulong kay Sotto sa oras na maghain na siya ng kanyang certificate of candidacy sa Oktubre.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Sa kanya talaga ako kumukuha ng advice. Kahit ‘yung sa floor, ‘pag mayroong unique or unusual scenario, parliamentary situation, I always ask the advice of Sen. Sotto on the next steps that I will do,” paliwanag niya.

Gayunman, sinabi ni Pimentel na ito ay “depends on the majority” kung nais pa rin siya ng mga ito bilang Senate President sa kabila ng kanyang kandidatura.

Sa kabila nito, aniya, lahat ng senador ay kuwalipikado na pamunuan ang Senado.

“When you are elected by the people as a senator, you should be ready to be a Senate president especially if you are chosen by your colleagues. When the people have spoken thay you are qualified to be a senator, you are qualified to be a SP,” aniya. - Vanne Elaine P. Terrazola