Nanawagan ang Palasyo sa publiko na suportahan ang panukalang national identification system para mapasimple at mapabilis ang mga transaksiyon at maprotektahan ang bansa laban mga banta sa seguridad.
Hinimok ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang publiko na pagkatiwalaan ang gobyerno sa pagtatag ng single national ID database kasabay ng pagbura sa mga pangamba na posibleng lalabagin nito ang right to privacy.
“I think the national ID system is very good for us Filipinos. Siguro mayroong mga kababayan natin na ayaw din sapagka’t ang mga rason nila iyong kanilang privacy, etc,” aniya sa panayaman sa radyo kamakailan.
“Talagang panahon na talaga na we must all get our act together,” dugtong niya.
Kamakailan ay inaprubahan ng Senado sa pangatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill No. 1738, ang Philippine Identification System, na magtatatag ng unang national ID system sa bansa. - Genalyn D. Kabiling