TARLAC CITY, Tarlac - Tinutugis na ng pulisya ang isang empleyado ng isang insurance company kaugnay ng panghahalik umano nito sa isang dalaga sa Barangay San Roque, Tarlac City nitong Huwebes ng hapon.

Ang suspek ay kinilala ni Supt. Eric Buenconcejo, hepe ng Tarlac City Police, na si Rodefer Bopil, 32, ng Bgy. Caramutan, La Paz, na nahaharap sa kasong sexual harassment batay na rin sa reklamo ng 21-anyos na dalagang biktima, taga-Bgy. Tariji, Tarlac City.

Ayon kay PO3 Regina Pascua, nangyari ang insidente sa inuupahang gusali ng isang insurance firm sa naturang barangay, dakong 5:16 ng hapon.

Pinapunta umano ng suspek ang biktima sa kanilang opisina upang papirmahin sa kanyang daily time record (DTR) at leave of absences nito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pagdating ng biktima sa opisina, bigla na lamang umano itong niyakap at hinalikan ni Bopil, na nagawang sipain ng dalaga hanggang tuluyang makatakas. - Leandro Alborote