NAGBUNYI sa center court sina James Harden at Gerald Green matapos ang buzzer-beating three-pointer ng huli na nagpanalo sa Rockets kontra Phoenix Suns. - AP
NAGBUNYI sa center court sina James Harden at Gerald Green matapos ang buzzer-beating three-pointer ng huli na nagpanalo sa Rockets kontra Phoenix Suns. - AP
CLEVELAND (AP) — Kumubra si LeBron James ng double-double para sa ika-867 sunod na laro at lagpasan ang record na una nilang pinagsaluhan ni Michael Jordan sa panalo ng Cleveland Cavaliers kontra New Orleans Hornets, 107-102, nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Tumipa si James ng 27 puntos at 11 assists bukod sa siyam na rebounds para sa panibagong marka sa kanyang matikas na 15th NBA season na tinampukan ng apat na MVP awards.

Nagsalansan si Jordan Clarkson ng 23 puntos, habang kumana si Tristan Thompson ng 14 rebounds para sa ikapitong panalo sa walong laro ng Cavaliers at patatagin ang kapit sa No.3 sa Eastern Conference playoff.

Nanguna si Jrue Holiday sa naiskor na 25 puntos at tumipa si Nikola Mirotic ng 20 puntos para sa New Orleans. Nalimitahan naman si Pelicans star Anthony Davis sa 16 puntos mula sa malamyang 6-of-19.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakumpleto ni James ang bagong marka nang maisalpak ang two-handed dunk sa first period.

Naitala ni Jordan ang dating record noong 2001, at sa pagkakataon ito walang makapagsasabi kung hanggang kalian mahahawakan ni James ang bagong record.

ROCKETS 104, SUNS 103

Sa Houston, naisalpak ni Gerald Green ang three-pointer sa buzzer para mailigtas ang Houston Rockets kontra sa Phoenix Suns.

Nakumpleto ni Green ang paghahabol ng Rockets mula sa 21 puntos at angkinin ang ika-11 sunod na panalo, habang sumadsad ang Phoenix sa ika-14 na sunod na kabiguan.

Naibuslo ni James Harden ang three-pointer para maitabla ang iskor sa 101 may 12 segundo ang nalalabi, ngunit nakuha muli ng Phoenix ang bentahe mula sa jumper ni rookie Josh Jackson may 1.4 segundo sa orasan.

Mula sa timeout, na-inbound ni Trevor Ariza ang bola kay Green na mabilis na bumitaw para sa winning shot at mahila ang winning streak ng Rockets.

Hindi na pinaglaro ng Houston sina Chris Paul, Eric Gordon at Nene matapos masiguro ang No. 1 seed sa Western Conference nitong Huwebes matapos mabigo ang Golden State sa Milwaukee.

Hataw si Harden sa naiskor na 28 puntos, 10 assists at walong rebounds, habang kumana si P.J. Tucker ng 18 puntos at career-high na limang three-pointers.

WOLVES 93, MAVS 92

Sa Dallas, naungusan ng Minnesota Timberwolves, sa pangunguna ni — Karl-Anthony Towns na may 21 puntos at 20 rebounds, ang Mavericks para buhayin ang kampanya na makasambot ng playoff spot sa Western Conference.

Naidikit ng Mavericks ang iskor sa 91-89 mula sa magkasunod na puntos ni Dennis Smith Jr. may 28.3 segundo sa laro.

Ngunit, nakaiskor si Terrence Crawford at ang ganting three-pointer ni Ferrel ay hindi na nakatulong sa nalalabing 1.3 segundo.

Nanguna si Harrison Barnes sa Dallas na may 19 puntos, habang tumipa si Smith ng 17 puntos.

SIXERS 101, HAWKS 91

Sa Atlanta, naitarak ni Ben Simmons ang triple-double, habang humugot si Ersan Ilyasova ng 21 puntos sa panalo ng Philadelphia 76ers kontra Atlanta Hawks.

Ratsada ang top rookie candidate sa naiskor na 13 puntos, 12 rebounds at 11 assists para sa ika-11 career triple-doubles. Naghahabol ang Sixers para masiguro ang katayuan sa playoff matapos ma-injured ang kanilang All-Star na si Joel Embiid.