Kamay ni Hesus
Kamay ni Hesus

MULI naming nakausap si Fr. Joey Faller, ang Healing Priest ng Kamay ni Hesus Healing Church sa Lucban, Quezon, nang mag-celebrate siya ng Holy Mass at healing session sa Oasis of Love Catholic Renewal Community.

Sa kanyang homily, nagpasalamat si Fr. Joey sa mga miyembro ng Oasis of Love na dumadalo sa activities ng Kamay ni Hesus Healing Church at nai-report niyang ayon sa Mango Tours na nagdadala ng tourists mula sa iba’t ibang lugar sa mundo, ang kanilang simbahan na ang itinuturing na number two sa Vatican sa dami ng mga dumadalaw na pilgrims sa buong isang taon.

“Kami po naman, recorded namin na every week ay may mga dumarating na pilgrims sa simbahan mula sa 250 to 300 thousand,” sabi ni Fr. Joey.  “At kung Holy Week po, mula sa Palm Sunday hanggang sa Easter Sunday, umaabot ng 3.2 to 3.5 million ang mga pilgrims na dumarating. Kaya nagdagdag na rin kami ng healing masses. Meron po kami every Wednesday, Saturday at Sunday.”

Events

'Rated J?' Korina Sanchez, Jessica Soho naispatang magkasama sa Vatican

Ayon na rin sa mga nakakausap namin kapag bumisita rin kami sa Kamay ni Hesus, kung minsan ay nauubos ang lahat ng mga panindang pagkain at souvenir items sa loob at paligid ng simbahan.

Sa mataas na Lourdes Grotto na may 50-feet high na Jesus of the Ascension, kung Holy Week, kahit maaga kang magsimulang umakyat sa left side ng grotto na may almost 250 steps, sa rami ng tao, suwerte mo kung makababa ka ng12:00 noon sa left side nito na may almost 300 steps naman.

Kaya naman hindi tumitigil sa pag-iisip si Fr. Joey kung paano mabibigyan ng kaluwagan ang mga debotong pumupunta sa Kamay ni Hesus na nanggagaling pa sa iba’t ibang lugar ng bansa at sa abroad.  Sa tulong ng donations ng devotees, ilang structures na rin ang naipatayo para malugaran ng mga dumarating sa simbahan upang hindi sila maarawan o maulanan.

Bukas ang Kamay ni Hesus Healing Church simula 6:00 AM hanggang 6:00 PM araw-araw. --Nora Calderon