LAS VEGAS (AP) — Itataya ni American star Terence "Bud" Crawford ang malinis na karta sa pakikipagtuos kay WBO champion Jeff Horn sa kanyang welterweight debut sa Hunyo 9 (Hunyo 10 sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Ipinahayag ng Top Rank ang fight card nitong Biyernes para sa pagdepensa ni Horn sa titulo na nakuha niya nang gapiin si eight-division world champion Manny Pacquiao via unanimous decision noong Hulyo.

Tinanghala si Crawford (32-0, 23 knockouts), mula sa Omaha, Nebraska, bilang undisputed junior welterweight champion nitong Agosto nang pabagsakin si Julius Indongo sa third round. Si Crawford ang unang fighter na nagawang ma-unify ang 140-pounder division sa apat na major world titles.

Galing din sa panalo si Horn (18-0-1, 12 knockouts), mula sa Brisbane, Australia,nang pahintuin si Gary Corcoran sa ika-11 round nitong Disyembre.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Samantala, nagsampa ng ng pormal na reklamo ang Nevada boxing regulators laban kay Canelo Alvarez bunsod ng ‘doping violations’ na naglagay sa alanganin sa nakatakda niyang rematch kay middleweight champion Gennady Golovkin sa Mayo 5.

Posibleng masuspinde si Alvarez ng isang taon matapos magpositibo sa performance-enhancing drug Clenbuterol sa random urine tests nitong Pebrero sa kanyang bayan sa Guadalajara, Mexico.

Nakatakda ang hearing ng kaso sa April 18.