Isinabatas na ng Vermont lawmakers nitong Biyernes ang panukala na pataasin ang age requirement sa pagbili ng armas at higpitan ang background checks.

Inaprubahan ng Democrat-controlled state Senate ang panukala, ang S55, sa botong 17-13 vote, ayon sa online legislative record.

Ito ay mapupunta sa Republican Governor Phil Scott, na nagbago ng kanyang panig at nagpahayag ng suporta sa gun control matapos ang pag-aresto sa isang Vermont teenager, na inakusahan ng pananakot na babarilin ang isang high school, noong Pebrero. Naganap ang insidente dalawang araw matapos patayin ng dating estudyante ang 17 katao sa Marjory Stoneman Douglas High School sa Parkland, Florida, noong Pebrero 14. (Reuters)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente