Hawak na ng awtoridad ang isang cadet engineer na wanted sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law, makaraang matiyempuhan sa Maynila, nitong Huwebes Santo.

Naghihimas ng rehas sa Manila Police District (MPD)-Station 6 ang suspek na si Jonah Kim Zamora, 23, binata, ng 2336 H. Plaza Hugo, Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ni MPD-Station 6 commander, Supt. Olivia Sagaysay, nadakip ang suspek sa Syquia Street, sa Sta. Ana, dakong 6:45 ng gabi.

Unang nakatanggap ng timbre si SPO3 Ronald Santiago, officer-in-charge ng Intelligence Section, mula sa Barangay Information Network (BIN) at sinabing madalas mamataan ang suspek sa naturang lugar.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa bisa ng warrant of arrest, na inisyu ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 48 Judge Silverio Castillo, inaresto si Zamora dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Nagrekomenda ang korte ng P80,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek. - Mary Ann Santiago