Ni MARY ANN SANTIAGO

Dismayado ang isang environmental group, na una nang umapela para sa trash-free na Semana Santa, sa santambak na basurang iniwan ng mga dumagsa sa mga pilgrimage site sa nakalipas na mga araw, partikular na sa Bulacan at Rizal.

Ayon sa EcoWaste Coalition, tulad ng mga nakalipas na taon ay nakasisira sa kasagraduhan ng banal na okasyon ang nakaugalian na at kawalang malasakit na pag-iiwan ng basura ng mga deboto sa pinupuntahan nilang pilgrimage sites tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Partikular na tinukoy ng grupo ang trash situation sa dinarayong Our Lady of Lourdes Grotto sa San Jose del Monte City sa Bulacan, at sa National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City, Rizal, na marami nang naiwang basura hanggang kahapon ng umaga.

Probinsya

72 anyos na lola, patay matapos saksakin sa bibig ng umano'y kinakasamang 33 anyos na lalaki

“Just like in previous years, the Lenten pilgrimage to both religious sites left a trail of trash that is totally unbefitting of the spiritual journey that many devotees do to affirm their faith, ask forgiveness for past wrongs, and give thanks for blessings received,” ani Daniel Alejandre, Zero Waste campaigner ng EcoWaste Coalition. “There’s literally trash everywhere!”

“Some of the discarded stuff is in fact reusable and recyclable. Luckily, enterprising waste pickers, especially in Antipolo City, were on hand to retrieve these valuable materials and sell them to junk shops,” ani Alejandre.

Nauna rito, nanawagan ang EcoWaste sa mga mananampalataya na magkaroon ng trash-free Holy Week, upang ipakita ang kanilang tunay na debosyon at pagmamahal sa kalikasan.