SA kabila ng mga intrigang ipinupukol sa Bagani ay nanatili itong tinatangkilik ng sambayanan.

Mula nang umere ang serye sa unang linggo ng Marso, agad nabihag ng Bagani ang puso ng primetime viewers dahil sa napakagandang visual effects at kakaibang kuwento.

Hindi pa rin ito matinag sa ratings game. Nitong Martes (Mar 27) lang ay muli nitong tinalo ang Kambal Karibal sa national TV rating na 33.4% kumpara sa Kapuso show na may 20.2%. Lagi rin itong trending sa social media.

Nang lumabas ang karakter ni Dimples Romana bilang ang babaylan na si Gloria, muli na namang nag-trend ang serye dahil sa kuwelang hatid ng pinauso nilang ritwal na “Mekeni, Mekeni, tugtog Do Re Mi.” Maging si Vice Ganda ay hindi nagpahuli at ginamit pa ito sa It’s Showtime.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Hindi pa man umeere ang serye ay naging matunog na ang Bagani sa publiko dahil sa hindi pagkakaunawaan nito at ng indigenous peoples groups. Agad naman itong niresolba at binigyan ng respeto ng show ang saloobin ng kabilang panig.

Patuloy na ipinapalabas ang disclaimer sa simula ng programa na kumikilala sa tunay na mga bagani. Ito ang patunay sa mabuting hangarin ng programa at layunin nitong magbigay aliw lamang sa pamamagitan ng kuwentong kathang-isip lamang.

Napapanood ang lalong gumagandang mga eksena sa Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.