Nalambat ng Caloocan City Police ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang senior citizen, sa buy-bust operation sa lungsod kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Erwin Lacaba, 32, construction worker; at Thelma Macabalo, 62, kapwa ng Caloocan City.

Ayon kay Senior Insp. Allan Hernandez, hepe ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng pulisya, target ng kanilang operasyon si Lacaba matapos makatanggap ng mga ulat ang awtoridad kaugnay ng pagkakasangkot umano ng huli sa ilegal na droga.

Gayunman, nilinaw ni Senior Insp. Hernandez na hindi kabilang ang dalawang suspek sa drugs watch list ng pulisya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na kasama ni Lacaba si Macabalo nang iabot ang isang pakete ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P500, sa isang police poseur-buyer sa Bayani Street sa Barangay 37 ng naturang lungsod.

Ayon kay SPO1 Ryan Escorial, imbestigador, narekober kay Macabalo ang isang pakete ng umano’y shabu.

Sasampahan ang mga suspek, na kapwa nakakulong sa Caloocan PNP, ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165). - Kate Louise B. Javier