Naging kasangapan ang World Youth Day (WYD) na ginanap sa bansa noong 1995 para madiskubre ng isang banyagang delegado ang kanyang propesyon.
Ibinahagi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagkikita nila ng indibidwal na ito sa kanyang Misa sa Manila Cathedral, nitong Huwebes.
Sinabi niya na nakilala niya ang pari sa isang pagpupulong sa Europe.
“At the end of the meeting, as we were living the room, one of the priests approached me and said: ‘Your Eminence, I have been in Manila.’ I said, really? He then said: ‘Yes, and I have never left Manila’,” pagbabalik-tanaw ni Tagle.
Nang tanungin ng cardinal kung saan sa Manila nakatira ang pari, sumagot ito na: “Manila is always in my heart.”
“He said: ‘I was a delegate of my country in the 1995 World Youth Day and there I saw faith. I saw the kind of people who believe. I saw people who are not ashamed of their faith and that changed my life. I decided to become a priest’,” kuwento pa ni Tagle.
Ayong sa cardinal, nang bumalik ang pari sa kanyang bansa, sinabi nito sa kanyang mga magulang at kanyang kasintahan ang tungkol sa kanyang natuklasan.
“When he called his girlfriend she told him: ‘When you left, I’m a bit nervous. In my heart something told me that something will happen in Manila. My intuition got confirmed’,” sinabi ni Tagle.
Nakilala rin ni Tagle ang isa pang pari mula sa Malaysia na nadiskubre rin ang kanyang bokasyon sa Manila.
Ayon kay Tagle, ang nasabing pari ay vicar for clergy na ngayon sa isa sa mga diocese roon.
Sinamantala ng cardinal ang pagkakataon para imbitahan ang mga naroong kabataan na pumasok sa seminaryo.
“To the youth here today, you are already here in Manila. Others discovered their vocation here, and you are already here,” aniya.
“Please, young and not so young people of Manila, Pasay, Makati, San Juan, Mandaluyong, open your eyes. Open your eyes. Open your ears the Good News is being told to you. Listen, listen,” aniya.
Ang Taong 2018 ay idineklara ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas bilang Year of the Clergy and Consecrated People. - Leslie Ann G. Aquino