Sumiklab ang bakbakan sa pagmartsa ng libu-libong Gazans malapit sa hangganan ng Israeli sa protesta nitong Biyernes, na ikinamatay ng 16 na Palestinian at ikinasugat ng daan-daang iba pa.
Tinarget ng mga militar ng Israel ang tatlong Hamas sites sa Gaza Strip sa pamamagitan ng pagpapasabog ng tangke at air strike matapos ang umano’y tangkang pag-atake laban sa mga sundalo at masuwerteng walang nasugatan.
Nagsama-sama ang mga raliyista, kabilang ang mga babae at mga bata, sa iba’t ibang lugar sa binarikadahang teritoryo.
Ilang katao ang sumugod sa lugar, sa layong ilang daang metro (yarda), at binugahan sila ng mga militar ng tear gas at pinaputukan ng baril upang umatras.
Gumamit ang Israeli security forces ng hugong upang magpasabog ng tear gas sa hangganan, ayon sa tagapagsalita ng awtoridad.
Ayon sa health ministry sa Gaza, 16 na Palestinians ang napatay ng Israeli forces.
Mahigit 1,400 ang sugatan, kabilang ang 758 sa live fire, at ang natira ay sugatan sa bala at paglanghap ng tear gas, sabi pa ng tagapagsalita. (AFP)