Mula sa AFP

Simula 1992, inirekomenda ng World Health Organization ang first dose ng bakuna laban sa HBV sa loob ng 24 oras matapos isilang, ngunit kalahati lamang ng mga bagong silang na sanggol ang kaagad na nababakunahan.

May 300 milyon katao sa buong mundo ang nabubuhay na may nakamamatay na hepatitis B virus (HBV), ngunit 20 lamang ang tumanggap ng sapat na treatment, iniulat ng mga mananaliksik nitong Martes.

Para sa expectant mothers na nagdadala ng virus -- na maaaring isalin sa kanilang mga anak, ang percentage na ito ay bumaba ay isa sa 100, iniulat nila sa The Lancet Gastroenterology & Hepatology medical journal.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Kapag hindi nalunasan, ang HBV ay maaaring magdulot ng mga sakit sa atay, kabilang ang cancer.

Tinatayang 600,000 katao ang namamatay bawat taon sa hepatitis-B related liver diseases, ginawa ang HBV na mas malaking killer kaysa malaria.

Ang virus ay highly contagious sa pamamagitan ng nahawaang dugo o iba pang body fluids, at karaniwang naisasalin ng mga ina sa kanilang mga sanggol, o sa pagitan ng mga anak.

Walang lunas, ngunit ang antiviral drugs ay napatunayang epektibo para malagpasan ang mga sintomas.

“Most mother-to-child transmission occurs within days of birth, so the birth dose is vital,” sinabi ng lead investigator na si Homie Razavi, virologist sa Center for Disease Analysis sa labas ng Denver, Colorado.

“All children need to receive this life-saving vaccine at birth, not just half of them,” aniya.

Ang virus ay pinakakaraniwan sa silangang Asia at sub-Saharan Africa, kung saan ang prevalence nito ay kasing taas ng 12 porsiyento sa Central African Republic.

Nasa China, India, Nigeria, Indonesia at Pilipinas ang bumubuo sa halos 60 porsiyento ng lahat ng infections.

“This study details the inadequate focus and expenditure on HBV treatment,” isinulat na komento ni Geoffrey Dusheiko ng UCL Medical School and Kosh Agarwal mula sa King’s College Hospital.

“There is a need to raise awareness of HBV to the same level as that of HIV.”