Ni Czarina Nicole O. Ong

Inabsuwelto ng Sandiganbayan First Division si dating Vallehermoso Mayor Joniper Villegas ng Negros Oriental sa kasong graft kaugnay sa umano’y maling pagsibak sa isang empleyado ng gobyerno noong 2006.

Pinaboran ng anti-graft court ang argumento ni Villegas na ang mga alegasyon laban sa kanya ay hindi maituturing na paglabag sa anti-graft law.

Kinasuhan si Villegas ng paglabag sa Section 3(e) ng R.A. 3019, o mas kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa pagsibak kay Municipal Records Officer Adelie Serion “without observing due process in an administrative proceeding as mandated by the Civil Service Regulations.”

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Naglabas ng desisyon ang Regional Trial Court noong Setyembre 18, 2017, na nagsasabing si Villegas “acted within the bounds of law and with no grave abuse of discretion” dahil si Serion “committed the offense of dishonesty through falsification of official documents.”

Hindi sumang-ayon dito ang prosekusyon at iginiit na “harsh” ang naging desisyon ni Villegas laban kay Serion.

Ngunit hindi nakumbinsi ang korte.

Naniniwala ang Sandiganbayan na ang desisyon ng RTC ay “clear and explicit, and leaves no room for any other interpretation.”