Ni Raymund F. Antonio
Hindi tulad ng Par t ido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na mayroon nang paunang listahan ng mga kandidato sa pagkasenador para sa eleksiyon sa 2019, hindi pa nakapagpapasya ang Liberal Party (LP) kung sino ang magiging pambato nito sa pagkasenador.
Wala pang linaw kung makukumpleto ng LP ang 12 senatoriables ng partido.’
“Mayroong mga pangalan na isina-suggest, pero kailangan kasing i-vet ito. Iyong pagdedesisyon, pagdedesisyunan ng board—hindi puwedeng ako lang,” sabi ni Vice President Leni Robredo, chairperson ng LP.
Bubuuin ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, presidente ng LP, ang board na magsasapinal ng listahan ng mga pambatong senador ng oposisyon.
Tinawag ni Pangilinan ang LP senatoriables na “The Resistance”, at tanging si Senator Bam Aquino pa lamang ang siguradong kakandidato.
N a n g t a n u n g i n k u n g makukumpleto ng LP ang 12 kandidato sa pagkasenador para sa susunod na taon, sinabi ni Robredo: “Iyon ‘yung hindi natin sigurado, kasi kaunti na lang iyong natira sa LP ngayon.”
Sinabi ni Robredo na nasa proseso ngayon ang LP ng paghahanap ng mga “qualified” na kandidato sa pagkasenador “[who] embody the ideals of the party.”
Namamayagpag na partido noong nakalipas na administrasyon, naglipatan na sa PDP-Laban—ang partido ni Pangulong Duterte—ang maraming miyembro ng LP.