MAINIT na pinag-uusapan sa social media ang madamdaming eksena ng The Good Son nang ipinakita ang hinagpis ni Joseph (Joshua Garcia) sa pagkamatay ng kanyang inang si Raquel (Mylene Dizon) at umani ito ng libu-libong tweets at papuri ng netizens.

JOSHUA copy

Marami ang naantig sa eksena ni Joseph at sa malagim na kamatayan ni Raquel, na nauwi sa muntikang pagpapakamatay ng binata nang hugutin niya ang baril ng isang pulis at itutok sa kanyang sarili.

Inulan ng mga papuri ang cast, lalo na ang makapanindig-balahibong pagganap ni Joshua na naging trending topic pa hanggang Sabado (Marso 24) sa patuloy na pagdagsa ng tweets ng netizens.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Tonight was one of Joshua Garcia’s finest moments in his acting career. Your acting is becoming a brand! Joshua Garcia has a long way to go,” sabi ni @saavedra_mark.

“Ito ‘yung eksena na kahit ilang beses ko na napanood naiiyak pa rin ako. Ang galing ni Joshua dito,” papuri naman ng Facebook user na si Kengkeng Alejandrino.

“It’s like watching a drama serye again from the 90’s kung saan pahusayan ang labanan hindi ingay ng fans.Tunay na talento, isasama ka sa nararamdaman niya,” komento ng YouTube user na si Lurker Lang.

Bukod sa pangunguna sa social media, nanalo rin sa national TV ratings ang The Good Son na kumabig ng 20.2% noong Biyernes (Marso 23), kumpara sa The One That Got Away na nakakuha ng 12%, ayon sa data ng Kantar Media.

Ngayong wala na si Raquel, ano nga ba ang gagawin ni Joseph upang ipaghiganti ang ina?

Panoorin ang nalalabing dalawang linggo ng The Good Son sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).