Ni Leslie Ann G. Aquino

Nanawagan kahapon Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na tigilan na pagpakalat ng fake news.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“Let us put a stop to fake news! We are not called and consecrated to bring fake news, only Good News especially through the integrity of our lives,” pahayag ng cardinal sa isang post ng CBCP News.

Sinabi ni Tagle, nanguna sa Chrism Mass sa Manila Cathedral, na tulad ng mga inordinahan, misyon ng mga Katoliko na ipalaganap at ibahagi ang Mabuting Balita.

“Evangelization is our common goal,” aniya.

Gayunman, binigyang diin ni Tagle na ang evangelization ay naiiba sa pagmamanipula sa katotohanan para linlangin ang mga tao.

“Manipulation thrives in the context of disrespect that’s why fake news proliferates. I can deliberately deceive people because I have no covenant relationship with them. I don’t care. I only want to manipulate the truth so that I tell what I want. That is not evangelization,” ani Tagle.

Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng integridad sa mga naghahatid ng Mabuting Balita, idinagdag na dapat itong ipahayag hindi lamang sa pamamagitan ng salita kundi sa gawa.

“That’s why many people don’t listen to the Good News because they don’t see it from the one talking,” ani Tagle.

“They are looking for people of integrity whose words will match their action.”

Mahigit 400 pari ng Manila archdiocese ang muling nanumpa sa kanilang bokasyon sa Misa na dinaluhan nina Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Caccia at dating Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales.

Sa Misa, binasbasan ni Cardinal Tagle ang mga langis na gagamitin ng mga simbahan sa buong archdiocese.