Ni Agencé France Presse

Iniluinsad ng Facebook nitong Miyerkules ang bagong solusyon nito upang pahupain ang pagkabahala ng publiko hinggil sa isyu ng pagnanakaw ng personal na impormasyon sa Facebook, sa pamamagitan ng paglalabas ng bagong privacy tools at settings na layuning bigyan ng mas malawakang kontrol ang users sa kanilang mga ibinabahaging impormasyon.

Umani naman ng matitinding batikos ang social network giant makaraang mabunyag na mahigit 50 milyong users ang nanakawan ng data ng isang British firm, kaugnay ng pangangampanya ni Donald Trump noong 2016.

Inamin ng kumpanya na kailangan nito “[to] do more to keep people informed,” ngunit sinabing ang mga pagbabago ay “in the works for some time.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We’ve heard loud and clear that privacy settings and other important tools are too hard to find,” lahad ni chief privacy officer Erin Egan at deputy general counsel Ashlie Beringer sa isang blog post. “We’re taking additional steps in the coming weeks to put people more in control of their privacy.”

Kabilang sa update ang mas madaling pag-access sa user setting at tools ng Facebook upang mas madaling maghanap, mag- download at magbura ng mga nakatagong personal na impormasyon sa site, na ginagamit ng dalawang bilyong katao.

Sinabi rin ng Facebook na ang bagong privacy shortcuts menu ay maggagarantiya sa mga user ng mas ligtas na account, kayang pangasiwaan kung sino lang ang gustong makakita ng kanilang mga impormasyon at aktibidad, at kontrolin ang mga patalastas na kanilang nakikita.

Ibinunyag nitong Marso ni Christopher Wylie na nakuha ng political consulting company na Cambridge Analytica ang mga profile ng 50 milyong Facebook user, sa pamamagitan ng personality prediction app ng academic researcher.

Ang app ay na-download n g 270,000 katao , ngunit nakapaghalungkat din ng impormasyon tungkol sa kanilang kaibigan nang walang permiso—na naging posible sa panuntunan ng Facebook nang mga panahong iyon.