Ni Merlina Hernando-Malipot

“Give us back our summer!”

Ito ang apela ng ilang Senior High School (SHS) graduates matapos ipahayag ng Department of Education (DepEd) na ngayong Abril at Mayo gagawin ang dalawang assessment tests para sa Grade 12 completers.

Nadiskaril ang matagal nang inaasam na bakasyon ng ilang SHS kasama ang kanilang mga pamilya sa pagsasagawa ng National Achievement Test (NAT) para sa Grade 12 at Basic Education Exit Assessment (BEEA), na orihinal na itinakda bago ang pagtatapos ng school year 2017-2018.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Dismayado ang 18-anyos na si “Eri V.” (hindi niya tunay na pangalan) mula sa Davao City, nang malaman na ibibigay ang NAT para sa Grade 12 pagkatapos ng kanyang graduation ceremony. Batay sa datos ng DepEd, kabuuang 1,252,357 mag-aaral ang kabilang sa first batch ng SHS completers. Kasama siya sa 765,588 enrolees o 61.13% ng mga kumuha ng Academic Track sa ilalim ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand.

“Me and my family were planning to go to Hong Kong and Macau since last year for our summer vacation,” aniya sa Manila Bulletin. Ang biyaheng ito ay magsisilbi ring “token or a gift for me since I will be graduating from SHS,” aniya pa.

Ngunit hindi na ito matutuloy dahil kasama ang kanyang eskuwelahan sa mga napili para sa pagsasagawa ng NAT 12.

“To be honest, it made me really upset to the point that I could not sleep every night crying and thinking if this trip will be cancelled or not,” sabi pa nito.

Nauna nang sinabi ni Undersecretary for Curriculum and Instruction Lorna Dino na ang NAT para sa Grade 12 ay ibibigay sa random sampling basis only. Kayat hindi lahat ng paaralan na nag-aalok ng SHS ang oobligahing magbigay ng NAT 12 sa kanilang mga estudyante. Ang BEEA naman ay “mandatory to all SHS graduates” kapwa sa pampubliko at pribadong paaralan.

Nilinaw ni Dino na dahil ang layunin ng NAT ay para sa “systems evaluation,” hindi naman “requirement for graduation or admission to college” ang kumuha nito. Gayunman, umapela siya sa SHS graduates ng mga napiling eskuwelahan na kunin ang achievement test para makatulong na matukoy ang mga dapat pang gawin para mapabuti ang implementasyon ng SHS sa mga susunod na taon.