PANGUNGUNAHAN ni Philippine chess wizard Al-Basher “Basty” Buto ang malakas na field sa pagtulak ng 1st Don Casiguran and Friends Chess Cup sa Abril 14 sa Senate Covered Court sa Barangay 173, North Caloocan, Caloocan City.

BUTO: pambato ng bansa sa Asian tilt.

BUTO: pambato ng bansa sa Asian tilt.

Ang grade 2 student ng Faith Christian School sa Cainta, Rizal ay nagwagi ng five gold at silver medal sa 18th Association of Southeast Asian Nation Age Group Chess Championship sa Kuantan, Pahang, Malaysia nitong Disyembre.

“Malaking karangalan poi to sa akim,” pahayag ng 8-anyos na si Buto mula sa Marawi City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Muling kakatawanin ni Buto ang bansa sa pagsabak sa 2018 Asian Youth Chess Championships sa Marso 31 hanggang Abril 10, 2018 na gaganapin sa Lotus Pang Suan Kaew Hotel sa Chiang Mai, Thailand kung saan suportado siya nina International Baptist College (Barangay Malamig branch) President Dr. Edward M. Isidoro at IBC Principal Mrs. Florence T. Isidoro .

Ang nasabing event ay magsisilbing punong abala si sportsman Don Casiguran na suportado ng Kaizen Leche Flan sa pakikipagtulungan nina Barangay kagawad Pel Balubar, Vicky Dahino, Ebot delos Santos at Bong Duenas kung saan may P2,000 plus trophy ang magkakampeon sa Open section habang P1,000 plus trophy naman ang maiuuwi ng kiddies division winner. Una na din nagpatala sina Fide Master Nelson “Elo” Mariano III at Phil Martin Casiguran sa one day event na na layuning maipromote ang chess sa grassroots level.