NAKAMIT nina Southeast Asian Games veteran Marian Jade Capadocia at partner na si Fatma Al Naghani ng Oman ang women’s double title ng Bahrain ITF Futures Tennis Tournament kamakailan sa Manama, Bahrain.

TANGAN nina Capadocia (kanan) at partner na si Fatma Al Naghani ng Oman ang tropeo matapos ang awarding ceremony ng Bahrain ITF Futures Tournament sa manama, Bahrain. Nakopo ng dalawang ang women’s doubles title. CAPADOCIA FB

TANGAN nina Capadocia (kanan) at partner na si Fatma Al Naghani ng Oman ang tropeo matapos ang awarding ceremony ng Bahrain ITF Futures Tournament sa manama, Bahrain. Nakopo ng dalawang ang women’s doubles title. CAPADOCIA FB

Ginapi ng tambalan nina Capadocia at Al Naghani ang tambalan ng top seeded na sina Valera Bhunu ng Zimbabwe at Emily Wedley-Smith ng Great Britain, 7-5, 6-2, sa championship match.

Sa suporta ng mga kababayan, kabilang ang mga Overseas Filipino Workers (OFW), masigasig ang depensa at baselina game ni Capadocia para makamit ang unang doubles title sa ITF Tour ngayong season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna rito, umusad sa finals ang tambalang Capadocia at Al Nabhani nang pabagsakin ang karibal na sina Zeel Desai at Kanika Vaidya ng India, 3-6, 7-5, 10-4. Higit silang dominante sa quarterfinal win kontra kina Ashmitha E ng India at /Tea Faber ng Crotia, 6-3, 6-1.

Nabigo naman makausad sa Final Four ng women’s single ang 24-anyos na national team member nang mabigo kay Emilie Webley-Smith ng Britain, 4-6, 6-7(3) sa quarterfinals.

Hindi rin pinalad sa kanyang kampanya sa Men’s Singles si Jeson Patrombon nang mabigo kay Riccardo Maiga ng Switzerland, 3-6, 2-6, gayundina ang tambalan nina Francis Casey Alcantara at Pak Long Yeung ng HongKong kontra kina Claudio Fortuna ng Italay at Riccardo Maiga ng Switzerland, 6-3, 3-6, 8-10.

Pinasalamatan ni Capadocia, three-time PCA singles Open champion ang Philippine Sports Commission (PSC ) at si Philta president Atty. Tony Cablitas sa suportang ipinagkaloob sa Philippine Team.

Kasalukuyang athletics scholar ang pambato ng Antique sa Arellano University