LOS ANGELES (AP) – Determinado ang isang hukom sa Los Angeles na kailangang maglagay ang mga kumpanya ng kape ng cancer warning label dahil sa kemikal na nagpoprodyus sa roasting process.

Sinabi ni Superior Court Judge Elihu Berle nitong Miyerkules na nabigo ang Starbucks at iba pang kumpanya na ipakita na mas matimbang ang mga benepisyo ng pag-iinom ng kape kaysa anumang panganib nito. Sa unang bahagi ng paglilitis, nagpasya siya na hindi naipakita ng mga kumpanya na maliit ang panganib mula sa kemikal.

Kinasuhan ng Council for Education and Research on Toxics, isang nonprofit group, ang Starbucks at 90 pang kumpanya sa ilalim ng batas ng estado na nag-oobliga ng babala sa maraming kemikal na maaaring magdulot ng cancer. Isa na rito ang acrylamide, isang carcinogen na makikita sa kape.

“Defendants failed to satisfy their burden of proving ... that consumption of coffee confers a benefit to human health,’’ nakasulat sa desisyon ni Berle.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Iginiit ng coffee industry na ang kemilal sa kape ay nasa harmless levels at hindi ito dapat kasali sa batas dahil natural itong resulta ng cooking process na nagpapalasa sa kape. Ikinatwiran din nito na ang kape ay mainam sa katawan.