Ni Mary Ann Santiago

Pinaalalahanan kahapon ng isang arsobispo ng Simbahang Katoliko ang mga mananampalataya na ang pag-aayuno, pananalangin, pagbibigay ng limos sa kapwa, pagbi-Visita Iglesia at pagpepenitensiya ngayong Mahal na Araw ay balewala at walang saysay kung ito ay hindi bukal sa puso.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bagamat itinuturo ng simbahan na mag-ayuno, manalangin at tumulong sa kapwa ngayong Semana Santa, balewala ito kung walang sinseridad.

Aniya, ang pag-aayuno ay mabuti ngunit walang saysay kung walang tunay na malasakit para sa kapwa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Balewala rin umano ang pananalangin kung ito’y “ego trip” at para sa sarili lamang.

Maging ang pagbibigay ng limos, aniya, ay walang saysay kung pagpapakitang-tao lamang o upang magkamit ng pabuya.

P a l i w a n a g n i V i l l e g a s , kinakailangang bukal sa puso ang lahat ng bagay na gagawin ng mga mananampalataya ngayong Mahal na Araw.

Payo pa niya, sa halip na magpenitensiya at magpapako sa krus upang pagsisihan ang mga kasalanan, mas makabubuting magtungo na lamang sa tanggapan ng Philippine Red Cross (PRC) at mag-donate ng dugo, upang makapagligtas at makapagbahagi ng buhay sa mga nangangailangan.

“Instead of spilling your blood on the streets, why not walk into a Red Cross office and donate blood? Choose to share life. Share your blood,” ani Villegas.