HANDA na ang lahat sa pagtulak ng 1st Kap. Relly M. Medina 3vs3 Chess Team Tournament sa Linggo sa ganap na alas-9 ng umaga na gaganapin sa Covered Court, St. John Subdivision, Brgy. Ibaba, Santa Rosa City, Laguna.

Ayon kay tournament director Gary Arcamo Legaspi, bukas sa lahat ng manlalaro kung saan ang isang koponan ay binubuo ng tatlong manlalaro na ang board 1 player ay puede ilagay ang chess master kung saan ang team average rating ay 2050 ang below base sa NCFP January 2018 listing.

Ilan sa mga koponan na nagkumpirma na ng partisipasyon ay mula kina Fide Master Nelson “Elo Mariano III, Ronald “Ron Matehek” Hemilda, Felix Aguilera, Eugene Santiago at Laurence Wilfred “Larry” Dumadag.

Ipapatupad ang Seven (7) Rounds Swiss System & Game Points System na ang Rate of Play ay Twenty (20) Minutes + Five (5) Seconds Bronstein Mode.

Philippine Dragon Boat Team, sumungkit ng 8 ginto sa World Championship!

Nakataya ang P20,000 plus trophy sa event na suportado nina Kap. Relly M. Medina at Mr. Laurence Wilfred “Larry” Dumadag ng Unesco.

Nakalaan naman ang P12,000 plus medal sa runner-up place habang ang next three placers ay tatanggap ng tig P8,000, P5,000 at P3,000 ayon sa pagkakasunod.

May nakalaan naman sa top board performer kung saan sa board 1 ay P1,000 habang tig P500 naman sa board 2 at 3.

Ang regstration fee ay P2,000 habang ang On-site Registration ay P 2,200.

Hanapin si tournament director Gary Arcamo Legaspi sa mobile number: 0937-810-2258 para sa dagdag detalye.